Surah 6 · Juz 7
Al-An'am · 6:38
وَمَا مِنْ دَابَّةٍ فِي الْأَرْضِ وَلَا طَائِرٍ يَطِيرُ بِجَنَاحَيْهِ إِلَّا أُمَمٌ أَمْثَالُكُمْ ۚ مَا فَرَّطْنَا فِي الْكِتَابِ مِنْ شَيْءٍ ۚ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّهِمْ يُحْشَرُونَ
Walang anumang [hayop na] umuusad sa lupa ni ibong lumilipad sa pamamagitan ng mga pakpak nito malibang mga kapisanang mga tulad ninyo. Wala Kaming pinabayaan sa Aklat na anumang bagay. Pagkatapos ay tungo sa Panginoon nila titipunin sila.
Tafsir
Walang anumang hayop na kumikilos sa ibabaw ng lupa ni ibong lumilipad sa langit malibang mga uring tulad ninyo, O mga anak ni Adan, sa pagkakalikha at pagtutustos. Walang iniwan si Allāh sa Tablerong Pinag-iingatan na anuman malibang pinagtibay Niya. Ang lahat – ang kaalaman sa kanila – ay nasa ganang kay Allāh. Pagkatapos tungo sa Panginoon nila lamang sa Araw ng Pagbangon titipunin sila para sa pagpapasya ng ihuhusga para gumanti Siya sa bawat isa dahil sa nagiging karapat-dapat dito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah