Surah 6 · Juz 7
Al-An'am · 6:2
هُوَ الَّذِي خَلَقَكُمْ مِنْ طِينٍ ثُمَّ قَضَىٰ أَجَلًا ۖ وَأَجَلٌ مُسَمًّى عِنْدَهُ ۖ ثُمَّ أَنْتُمْ تَمْتَرُونَ
Siya ang lumikha sa inyo mula sa putik, pagkatapos ay nagpasya Siya ng isang taning at isang taning na itinakda sa ganang Kanya. Pagkatapos kayo ay nag-aagam-agam.
Tafsir
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang lumikha sa inyo, O mga tao, mula sa putik nang lumikha Siya sa ama ninyong si Adan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – mula rito. Pagkatapos nagtalaga Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ng yugto ng pamamalagi ninyo sa makamundong buhay at nagtalaga Siya ng isa pang taning na walang nakaaalam kundi Siya para sa pagbubuhay sa inyo sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos kayo ay nagdududa sa kakayahan niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pagbubuhay.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah