Surah 6 · Juz 8

Al-An'am · 6:164

قُلْ أَغَيْرَ اللَّهِ أَبْغِي رَبًّا وَهُوَ رَبُّ كُلِّ شَيْءٍ ۚ وَلَا تَكْسِبُ كُلُّ نَفْسٍ إِلَّا عَلَيْهَا ۚ وَلَا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ ۚ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمْ مَرْجِعُكُمْ فَيُنَبِّئُكُمْ بِمَا كُنْتُمْ فِيهِ تَخْتَلِفُونَ

Sabihin mo: "Ang iba pa ba kay Allāh ay hahangarin ko bilang isang Panginoon samantalang Siya ay Panginoon ng bawat bagay? Walang [kasalanang] nakakamit ang bawat kaluluwa malibang laban dito. Hindi papasanin ng isang tagapasan ang pasanin ng iba. Pagkatapos ay sa Panginoon ninyo ang balikan ninyo at magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang kayo noon ay nagkakaiba-iba."

Tafsir

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Sa iba pa ba kay Allāh maghahanap ako ng isang Panginoon samantalang Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay Panginoon ng bawat bagay? Siya ay ang Panginoon ng mga sinasambang sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya. Hindi magpapasan ang isang inosente ng pagkakasala ng iba pa sa kanya. Pagkatapos tungo sa Panginoon ninyo lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon saka magbabalita Siya sa inyo hinggil sa anumang kayo noon ay nagkakaiba-iba hinggil doon sa Mundo kabilang sa usapin ng relihiyon."

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah