Surah 6 · Juz 8
Al-An'am · 6:155
وَهَٰذَا كِتَابٌ أَنْزَلْنَاهُ مُبَارَكٌ فَاتَّبِعُوهُ وَاتَّقُوا لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ
Ito ay isang Aklat na ibinaba Namin, na pinagpala, kaya sumunod kayo rito at mangilag kayong magkasala nang sa gayon kayo ay kaaawaan,
Tafsir
Ang Qur'ān na ito ay isang Aklat na pinababa Namin, na marami ang pagpapala dahil sa nilalaman nito na mga pakinabang panrelihiyon at pangmundo, kaya sumunod kayo sa pinababa rito at mag-ingat kayo sa pagsalungat dito, sa pag-asang kaawaan kayo.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah