Surah 6 · Juz 8
Al-An'am · 6:144
وَمِنَ الْإِبِلِ اثْنَيْنِ وَمِنَ الْبَقَرِ اثْنَيْنِ ۗ قُلْ آلذَّكَرَيْنِ حَرَّمَ أَمِ الْأُنْثَيَيْنِ أَمَّا اشْتَمَلَتْ عَلَيْهِ أَرْحَامُ الْأُنْثَيَيْنِ ۖ أَمْ كُنْتُمْ شُهَدَاءَ إِذْ وَصَّاكُمُ اللَّهُ بِهَٰذَا ۚ فَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا لِيُضِلَّ النَّاسَ بِغَيْرِ عِلْمٍ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الظَّالِمِينَ
Mula sa mga kamelyo ay may dalawa at mula sa mga baka ay may dalawa. Sabihin mo: "Ang dalawang lalaki ba o ang dalawang babae o ang nilaman ng mga sinapupunan ng dalawang babae? O kayo ba noon ay mga saksi noong nagtagubilin si Allāh ng ganito? Kaya sino ang higit na lumalabag sa katarungan kaysa sa gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan upang ipaligaw ang mga tao nang walang kaalaman. Tunay na si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong lumalabag sa katarungan.
Tafsir
Ang natitira sa walong kategorya ay magkapares mula sa mga kamelyo at magkapares mula sa mga baka. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal: "Si Allāh ba ay nagbawal sa ipinagbawal mula sa mga ito dahil sa pagkalalaki nito o dahil sa pagkababae nito o dahil sa pagkakalaman dito ng sinapupunan? O kayo ba noon, O mga tagapagtambal, ay mga nakadalo ayon sa pag-aangkin ninyo nang nagtagubilin sa inyo si Allāh ng pagbabawal sa ipinagbawal ninyo mula sa mga hayupang ito? Walang isang higit mabigat sa kawalang-katarungan ni higit na malaki sa krimen kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan saka nag-ugnay sa Kanya ng pagbabawal ng hindi Niya ipinagbawal upang magpaligaw sa mga tao palayo sa landasing tuwid nang walang kaalaman na mapagbabatayan doon. Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa kapatnubayan sa mga tagalabag ng katarungan dahil sa paggagawa-gawa nila ng kasinungalingan laban kay Allāh.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah