Surah 6 · Juz 8
Al-An'am · 6:113
وَلِتَصْغَىٰ إِلَيْهِ أَفْئِدَةُ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ وَلِيَرْضَوْهُ وَلِيَقْتَرِفُوا مَا هُمْ مُقْتَرِفُونَ
at upang mahilig doon ang mga puso ng mga tumatangging sumampalataya sa Kabilang-buhay, upang kalugdan nila iyon, at upang makamtan nila ang anumang sila ay mga magkakamit.
Tafsir
at upang kumiling sa isinusulsol ng ilan sa kanila sa iba pa ang mga puso ng mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay, at upang tumanggap sila niyon para sa mga sarili nila at masiyahan sila roon, at upang magkamit sila ng anumang sila ay mga magkakamit kabilang sa mga pagsuway at mga kasalanan.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah