Surah 6 · Juz 8

Al-An'am · 6:111

۞ وَلَوْ أَنَّنَا نَزَّلْنَا إِلَيْهِمُ الْمَلَائِكَةَ وَكَلَّمَهُمُ الْمَوْتَىٰ وَحَشَرْنَا عَلَيْهِمْ كُلَّ شَيْءٍ قُبُلًا مَا كَانُوا لِيُؤْمِنُوا إِلَّا أَنْ يَشَاءَ اللَّهُ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ يَجْهَلُونَ

Kung sakaling Kami ay nagpababa sa kanila ng mga anghel, at kinausap sila ng mga patay, at nagtipon sa kanila ng bawat bagay nang harapan ay hindi nga sila sasampalataya malibang loobin ni Allāh, subalit ang higit na marami sa kanila ay nagpapakamangmang.

Tafsir

Kahit pa Kami ay sumagot sa kanila sa pamamagitan ng paggawa ng iminungkahi nila saka nagbaba Kami sa kanila ng mga anghel at nakasaksi sila sa mga ito, kumausap sa kanila ang mga patay at nagpabatid ang mga ito sa kanila hinggil sa katapatan mo sa inihatid mo, at nagtipon Kami para sa kanila ng bawat bagay mula sa iminungkahi nila na haharapin nila nang mata sa mata, hindi sila naging ukol sumampalataya sa inihatid mo, maliban sa sinumang niloob Namin para rito ang kapatnubayan kabilang sa kanila. Subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam niyon kaya hindi sila dumudulog kay Allāh para magtuon Siya sa kanila para sa kapatnubayan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah