Surah 52 · Juz 27
At-Tur · 52:28
إِنَّا كُنَّا مِنْ قَبْلُ نَدْعُوهُ ۖ إِنَّهُ هُوَ الْبَرُّ الرَّحِيمُ
Tunay na kami dati noong una ay dumadalangin sa Kanya. Tunay na Siya ay ang Mabait, ang Maawain.
Tafsir
Tunay na kami dati sa buhay namin sa Mundo ay sumasamba sa Kanya at dumadalangin sa Kanya na magsanggalang Siya sa amin sa pagdurusa sa Apoy. Tunay na Siya ay ang Tagagawa ng mabuti, ang Tapat sa pangako Niya sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila. Bahagi ng kabaitan Niya at awa Niya sa amin na nagpatnubay Siya sa amin sa pananampalataya, nagpapasok Siya sa amin sa Paraiso, at nagpalayo Siya sa amin sa Apoy.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah