Surah 52 · Juz 27

At-Tur · 52:21

وَالَّذِينَ آمَنُوا وَاتَّبَعَتْهُمْ ذُرِّيَّتُهُمْ بِإِيمَانٍ أَلْحَقْنَا بِهِمْ ذُرِّيَّتَهُمْ وَمَا أَلَتْنَاهُمْ مِنْ عَمَلِهِمْ مِنْ شَيْءٍ ۚ كُلُّ امْرِئٍ بِمَا كَسَبَ رَهِينٌ

Ang mga sumampalataya at sinundan sila sa pananampalataya ng mga supling nila ay isasama Namin sa kanila ang mga supling nila, at hindi Kami babawas sa kanila mula sa gawa nila ng anuman. Ang bawat tao, sa nakamit niya, ay mananagot.

Tafsir

Ang mga sumampalataya at sumunod sa kanila sa pananampalataya ang mga anak nila ay mag-uugnay Kami sa kanila sa mga anak nila upang magalak ang mga mata nila sa mga ito. Kung sakaling hindi umabot ang mga gawa nila ay hindi Kami magbabawas sa kanila ng anuman sa gantimpala ng mga gawa nila. Ang bawat tao ay mapipiit dahil sa nakamit niya na gawang masagwa; hindi mananagot para sa kanya ang iba pa sa kanya sa anuman mula sa gawa niya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah