Surah 52 · Juz 27
At-Tur · 52:16
اصْلَوْهَا فَاصْبِرُوا أَوْ لَا تَصْبِرُوا سَوَاءٌ عَلَيْكُمْ ۖ إِنَّمَا تُجْزَوْنَ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
Pumasok kayo rito [sa apoy], at magtiis kayo o huwag kayong magtiis - magkapantay sa inyo. Gagantihan lamang kayo ng dati ninyong ginagawa.
Tafsir
Lumasap kayo ng init ng apoy na ito at batahin ninyo ito, saka magtiis kayo sa pagbata ng init nito o huwag kayong magtiis rito: magkapantay ang pagtitiis ninyo at ang kawalan ng pagtitiis ninyo. HIndi kayo gagantihan sa Araw na ito kundi ng dati ninyong ginagawa sa Mundo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah