Surah 48 · Juz 26
Al-Fath · 48:7
وَلِلَّهِ جُنُودُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَزِيزًا حَكِيمًا
At sa kay Allāh ang mga kawal ng mga langit at lupa. Laging si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong.
Tafsir
Sa kay Allāh ang mga kawal ng mga langit at lupa; umaalalay Siya sa pamamagitan ng mga ito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Laging si Allāh ay Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda niya, at pangangasiwa Niya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah