Surah 47 · Juz 26

Muhammad · 47:7

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنْ تَنْصُرُوا اللَّهَ يَنْصُرْكُمْ وَيُثَبِّتْ أَقْدَامَكُمْ

O mga sumampalataya, kung tutulong kayo kay Allāh ay tutulong Siya sa inyo at magpapatatag Siya sa mga paa ninyo.

Tafsir

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, kung mag-aadya kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pag-aadya sa Propeta Niya at Relihiyon Niya at sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga tagatangging sumampalataya, mag-aadya Siya sa inyo sa pamamagitan ng pagkakaloob sa inyo ng pananaig laban sa kanila at magpapatatag Siya sa mga paa ninyo sa digmaan sa sandali ng pakikipagtagpo sa mga iyon.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah