Surah 47 · Juz 26
Muhammad · 47:4
فَإِذَا لَقِيتُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا فَضَرْبَ الرِّقَابِ حَتَّىٰ إِذَا أَثْخَنْتُمُوهُمْ فَشُدُّوا الْوَثَاقَ فَإِمَّا مَنًّا بَعْدُ وَإِمَّا فِدَاءً حَتَّىٰ تَضَعَ الْحَرْبُ أَوْزَارَهَا ۚ ذَٰلِكَ وَلَوْ يَشَاءُ اللَّهُ لَانْتَصَرَ مِنْهُمْ وَلَٰكِنْ لِيَبْلُوَ بَعْضَكُمْ بِبَعْضٍ ۗ وَالَّذِينَ قُتِلُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَلَنْ يُضِلَّ أَعْمَالَهُمْ
Kaya kapag nakipagkita kayo [sa labanan] sa mga tumangging sumampalataya ay tumaga sa mga leeg nila hanggang sa kapag nakalipol kayo sa kanila ay maghigpit kayo sa mga paggapos [sa mga bihag], at maaaring may pagmamagandang-loob o maaaring may pagpapatubos [sa mga bihag] hanggang sa magbaba ang digmaan ng mga pasanin nito. Iyon nga; at kung sakaling loloobin ni Allāh ay talaga sanang nag-adya Siya laban sa kanila subalit [nag-utos ng pakikibaka] upang sumubok Siya sa iba sa inyo sa pamamagitan ng iba pa. Ang mga pinatay sa landas ni Allāh ay hindi Siya magwawala sa mga gawa nila.
Tafsir
Kaya kapag nakipagkita kayo, O mga mananampalataya, sa mga nakikipagdigma kabilang sa mga tumangging sumampalataya ay tumaga kayo sa mga leeg nila sa pamamagitan ng mga tabak ninyo. Magpatuloy kayo sa pakikipaglaban sa kanila hanggang sa maparami ninyo sa kanila ang napatay saka napuksa ninyo ang lakas nila. Kapag naparami ninyo sa kanila ang napatay ay higpitan ninyo ang mga gapos sa mga bihag. Saka kapag nakabihag kayo sa kanila ay nasa inyo ang pagpipilian alinsunod sa hinihiling ng kapakanan sa pagitan ng pagmamagandang-loob sa kanila sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kalayaan sa kanila nang walang kapalit, o pagpapatubos sa kanila kapalit ng salapi o iba pa rito. Magpatuloy kayo sa pakikipaglaban sa kanila at pagbihag sa kanila hanggang sa magwakas ang digmaan sa pamamagitan ng pagyakap sa Islām ng mga tagatangging sumampalataya o pakikipagkasunduan nila. Ang nabanggit na iyon na pagsubok sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng mga tagatangging sumampalataya at pagpapasalit-salitan ng mga araw at pagwawagi ng iba sa kanila sa iba pa ay kahatulan ni Allāh. Kung sakaling loloobin ni Allāh ang pagwawagi sa mga tagatangging sumampalataya nang walang paglalaban ay talaga sanang nagwagi Siya laban sa kanila subalit isinabatas Niya ang pakikibaka upang subukin ang iba sa kanila laban sa iba pa para masubok Niya ang nakikipaglaban kabilang sa mga mananampalataya at ang hindi nakikipaglaban. Sinusubok Niya ang tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng mananampalataya. Kaya kung napatay ang mananampalataya, papapasok siya sa Paraiso. Kung pinatay ng mananampalataya ang tatangging sumampalataya, papasok ang tagatangging sumampalataya sa Apoy. Ang mga pinatay sa landas ni Allāh ay hindi magpapawalang-saysay si Allāh sa mga gawa nila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah