Surah 47 · Juz 26

Muhammad · 47:35

فَلَا تَهِنُوا وَتَدْعُوا إِلَى السَّلْمِ وَأَنْتُمُ الْأَعْلَوْنَ وَاللَّهُ مَعَكُمْ وَلَنْ يَتِرَكُمْ أَعْمَالَكُمْ

Kaya huwag kayong panghinaan ni mag-anyaya sa pakikipagpayapaan samantalang kayo ay ang mga pinakamataas at si Allāh ay kasama sa inyo. Hindi Siya babawas sa inyo sa [gantimpala sa] mga gawa ninyo.

Tafsir

Kaya huwag kayong manghina, O mga mananampalataya, sa pagharap sa kaaway ninyo at [huwag] kayong mag-anyaya sa pakikipagpayapaan bago sila mag-anyaya sa inyo tungo roon samantalang kayo ay ang mga nakagapi na mga nanaig sa kanila at si Allāh ay kasama sa inyo sa pamamagitan ng pag-aadya Niya at pag-alalay Niya. Hindi Siya magpapakulang sa inyo sa gantimpala sa mga gawa ninyo sa anuman, bagkus magdaragdag Siya sa inyo ng kagandahang-loob mula sa Kanya at ng pagmamabuting-loob.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah