Surah 47 · Juz 26
Muhammad · 47:30
وَلَوْ نَشَاءُ لَأَرَيْنَاكَهُمْ فَلَعَرَفْتَهُمْ بِسِيمَاهُمْ ۚ وَلَتَعْرِفَنَّهُمْ فِي لَحْنِ الْقَوْلِ ۚ وَاللَّهُ يَعْلَمُ أَعْمَالَكُمْ
Kung sakaling niloloob Namin ay talaga sanang ipinakita Namin sa iyo sila kaya talaga sanang nakilala mo sila sa pamamagitan ng mga tatak nila at talaga sanang makikilala mo nga sila sa himig ng pagkakasabi. Si Allāh ay nakaaalam sa mga gawa ninyo.
Tafsir
Kung sakaling niloloob Namin ang pagpapakilala sa iyo, O Sugo, ng mga mapagpaimbabaw ay talaga sanang ipinakilala Namin sila sa iyo kaya talaga sanang nakilala mo sila sa pamamagitan ng mga palatandaan nila at makikilala mo sila ayon sa istilo ng pananalita nila. Si Allāh ay nakaaalam sa mga gawa ninyo: walang nakakukubli sa kanya mula sa mga ito na anuman, at gaganti sa inyo sa mga ito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah