Surah 47 · Juz 26

Muhammad · 47:2

وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَآمَنُوا بِمَا نُزِّلَ عَلَىٰ مُحَمَّدٍ وَهُوَ الْحَقُّ مِنْ رَبِّهِمْ ۙ كَفَّرَ عَنْهُمْ سَيِّئَاتِهِمْ وَأَصْلَحَ بَالَهُمْ

Ang mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos at sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad – at ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon nila – ay magtatakip-sala Siya sa kanila sa masasagwang gawa nila at magsasaayos Siya sa kalagayan nila.

Tafsir

Ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos at sumampalataya sa pinababa ni Allāh sa Sugo Niyang si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan) – at ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon nila – ay magtatakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila kaya hindi Niya sila sisisihin dahil sa mga ito at magsasaayos Siya para sa kanila ng mga kapakanan nilang pangmundo at pangkabilang-buhay.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah