Surah 47 · Juz 26

Muhammad · 47:18

فَهَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا السَّاعَةَ أَنْ تَأْتِيَهُمْ بَغْتَةً ۖ فَقَدْ جَاءَ أَشْرَاطُهَا ۚ فَأَنَّىٰ لَهُمْ إِذَا جَاءَتْهُمْ ذِكْرَاهُمْ

Kaya naghihintay ba sila ng maliban pa sa Huling Sandali, na darating ito sa kanila nang bigla gayong dumating na ang mga tanda nito? Kaya papaanong ukol sa kanila, kapag dumating ito sa kanila, ang paalaala sa kanila?

Tafsir

Kaya may naghihintay kaya ang mga tagatangging sumampalataya ng maliban pa na sumapit sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan nang walang naunang kaalaman para sa kanila hinggil dito sapagkat dumating na ang mga palatandaan nito, na kabilang sa mga ito ang pagpapadala sa kanya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ang pagkabiyak ng buwan. Kaya papaanong ukol sa kanila na magsaalaala sila kapag dumating sa kanila ang Huling Sandali?

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah