Surah 47 · Juz 26

Muhammad · 47:10

۞ أَفَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ دَمَّرَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ ۖ وَلِلْكَافِرِينَ أَمْثَالُهَا

Kaya hindi ba sila humayo sa lupain para magmasid sila kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga kabilang sa nauna sa kanila? Dumurog si Allāh sa kanila. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya ang mga tulad niyon.

Tafsir

Kaya hindi ba humayo ang mga tagapagpasinungaling na ito sa lupa para magnilay-nilay sila kung papaano naging ang wakas ng mga nagpasinungaling kabilang sa bago pa nila sapagkat iyon ay isang wakas na nakasasakit? Dumurog si Allāh sa kanila ng mga tahanan nila kaya nagpahamak Siya sa kanila at nagpahamak Siya sa mga anak nila at mga ari-arian nila. Ukol sa mga tagatangging sumampalataya sa bawat panahon at pook ang mga tulad sa mga kaparusahang iyon.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah