Surah 45 · Juz 25

Al-Jathiyah · 45:8

يَسْمَعُ آيَاتِ اللَّهِ تُتْلَىٰ عَلَيْهِ ثُمَّ يُصِرُّ مُسْتَكْبِرًا كَأَنْ لَمْ يَسْمَعْهَا ۖ فَبَشِّرْهُ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ

Nakaririnig siya sa mga tanda ni Allāh na binibigkas sa kanya, pagkatapos ay nagpupumilit siya habang nagmamalaki na para bang hindi nakarinig sa mga iyon. Kaya magbalita ka sa kanya hinggil sa isang pagdurusang masakit.

Tafsir

Nakaririnig ang tagatangging sumampalataya na ito sa mga tanda ni Allāh sa Qur'ān habang binibigkas sa kanya, pagkatapos nagpapatuloy siya sa anumang dating nasa kanya na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway habang nagpapakataas-taas sa sarili niya laban sa pagsunod sa katotohanan. Para bang siya ay hindi nakarinig ng mga talatang iyon na binibigkas sa kanya. Kaya magpabatid ka sa kanya, O Sugo, hinggil sa ikasasama ng loob niya sa Kabilang-buhay niya. Iyon ay isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanya roon.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah