Surah 45 · Juz 25
Al-Jathiyah · 45:24
وَقَالُوا مَا هِيَ إِلَّا حَيَاتُنَا الدُّنْيَا نَمُوتُ وَنَحْيَا وَمَا يُهْلِكُنَا إِلَّا الدَّهْرُ ۚ وَمَا لَهُمْ بِذَٰلِكَ مِنْ عِلْمٍ ۖ إِنْ هُمْ إِلَّا يَظُنُّونَ
Nagsabi sila: "Walang iba ito kundi ang buhay naming pangmundo; namamatay kami at nabubuhay kami, at walang nagpasawi sa amin kundi ang panahon." Walang ukol sa kanila hinggil doon na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagpapalagay.
Tafsir
Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya na tagapagkaila sa pagbubuhay na muli: "Walang iba ang buhay kundi ang buhay namin sa Mundo ito lamang sapagkat walang buhay matapos nito. May namamatay na mga salinlahi ngunit hindi nanunumbalik at may nabubuhay na mga salinlahi. Walang nagbibigay-kamatayan sa amin kundi ang pagpapalitan ng gabi at maghapon." Walang ukol sa kanila sa pagkakaila nila sa pagbubuhay na muli na anumang kaalaman. Walang iba sila kundi nagpapalagay. Tunay na ang pagpapalagay ay hindi nakasasapat sa katotohanan sa anuman.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah