Surah 45 · Juz 25
Al-Jathiyah · 45:10
مِنْ وَرَائِهِمْ جَهَنَّمُ ۖ وَلَا يُغْنِي عَنْهُمْ مَا كَسَبُوا شَيْئًا وَلَا مَا اتَّخَذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْلِيَاءَ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Sa unahan nila ay Impiyerno. Hindi makapagdudulot sa kanila ang nakamit nila na anuman ni ang ginawa nila bukod pa kay Allāh bilang mga katangkilik. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang mabigat.
Tafsir
Mula sa harapan nila ay may Apoy ng Impiyerno na naghihintay sa kanila sa Kabilang-buhay. Hindi makapagdudulot sa kanila ng anuman ang nakamit nila na mga yaman laban kay Allāh ni magtatanggol ng anuman sa kanila ang ginawa nila bukod pa sa Kanya na mga anito na sinasamba nila bukod pa sa Kanya. Ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay isang pagdurusang mabigat.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah