Surah 41 · Juz 25

Fussilat · 41:52

قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ كَانَ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ ثُمَّ كَفَرْتُمْ بِهِ مَنْ أَضَلُّ مِمَّنْ هُوَ فِي شِقَاقٍ بَعِيدٍ

Sabihin mo: "Nagsaalang-alang ba kayo kung nangyaring [ang Qur’an na] ito ay mula sa ganang kay Allāh, pagkatapos ay tumanggi kayong sumampalataya rito, sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang siya ay na nasa isang hidwaang malayo?"

Tafsir

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito: "Magpabatid kayo sa akin kung ang Qur’an na ito ay mula sa ganang kay Allāh, pagkatapos tumanggi kayong sumampalataya rito at nagpasinungaling kayo rito, magiging papaano ang kalagayan ninyo? Sino pa ang higit na ligaw kaysa sa sinumang siya ay nasa isang pagmamatigas sa katotohanan sa kabila ng paglitaw nito at kaliwanagan ng katwiran niyon at lakas nito?"

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah