Surah 41 · Juz 24
Fussilat · 41:43
مَا يُقَالُ لَكَ إِلَّا مَا قَدْ قِيلَ لِلرُّسُلِ مِنْ قَبْلِكَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ لَذُو مَغْفِرَةٍ وَذُو عِقَابٍ أَلِيمٍ
Walang sinasabi sa iyo malibang sinabi na sa mga sugo noong wala ka pa; tunay na ang Panginoon mo ay talagang may pagpapatawad at parusang masakit.
Tafsir
Walang sinasabi sa iyo, O Sugo, na pagpapasinungaling malibang sinabi na sa mga sugo bago mo pa, kaya magtiis ka sapagkat tunay na ang Panginoon mo ay talagang may pagpapatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya at may parusang nakasasakit para sa sinumang nagpumilit sa mga pagkakasala niya at hindi nagbalik-loob.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah