Surah 41 · Juz 24

Fussilat · 41:37

وَمِنْ آيَاتِهِ اللَّيْلُ وَالنَّهَارُ وَالشَّمْسُ وَالْقَمَرُ ۚ لَا تَسْجُدُوا لِلشَّمْسِ وَلَا لِلْقَمَرِ وَاسْجُدُوا لِلَّهِ الَّذِي خَلَقَهُنَّ إِنْ كُنْتُمْ إِيَّاهُ تَعْبُدُونَ

Kabilang sa mga tanda Niya ang gabi at ang maghapon, at ang araw at ang buwan. Huwag kayong magpatirapa sa araw ni sa buwan. Magpatirapa kayo kay Allāh na lumikha sa mga ito, kung nangyaring kayo ay sa Kanya sumasamba.

Tafsir

Kabilang sa mga tanda ni Allāh na nagpapatunay sa kadakilaan Niya at paniniwala sa kaisahan Niya ang gabi at ang maghapon sa pagsasalitan ng dalawang ito, at ang araw at ang buwan. Huwag kayong magpatirapa, O mga tao, sa araw at huwag kayong magpatirapa sa buwan. Magpatirapa kayo kay Allāh lamang na lumikha sa mga ito, kung kayo ay sumasamba sa Kanya nang totohanan.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah