Surah 41 · Juz 24
Fussilat · 41:17
وَأَمَّا ثَمُودُ فَهَدَيْنَاهُمْ فَاسْتَحَبُّوا الْعَمَىٰ عَلَى الْهُدَىٰ فَأَخَذَتْهُمْ صَاعِقَةُ الْعَذَابِ الْهُونِ بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
Tungkol sa Thamūd, nagpatnubay Kami sa kanila ngunit naibigan nila ang pagkabulag higit sa patnubay kaya dumaklot sa kanila ang lintik ng pagdurusang humahamak dahil sa dati nilang kinakamit.
Tafsir
Hinggil sa Thamūd na mga kalipi ni Ṣāliḥ, nagpatnubay nga Kami sa kanila sa pamamagitan ng paglilinaw sa kanila ng daan ng katotohanan ngunit minagaling nila ang pagkaligaw kaysa sa kapatnubayan tungo sa katotohanan, kaya nagpahamak sa kanila ang lintik ng pagdurusang nang-aaba dahilan sa dati nilang nakakamit na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah