Surah 4 · Juz 6
An-Nisa · 4:174
يَا أَيُّهَا النَّاسُ قَدْ جَاءَكُمْ بُرْهَانٌ مِنْ رَبِّكُمْ وَأَنْزَلْنَا إِلَيْكُمْ نُورًا مُبِينًا
O mga tao, may dumating nga sa inyo na isang patunay mula sa Panginoon ninyo. Nagpababa Kami sa inyo ng isang liwanag na malinaw.
Tafsir
O mga tao, may dumating nga sa inyo mula sa Panginoon ninyo na isang katwirang hayag na pumuputol sa pagdadahilan at nag-aalis sa kalabuan. Siya ay si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Nagpababa Kami sa inyo ng isang tanglaw na maliwanag. Ito ay ang Qur'ān.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah