Surah 4 · Juz 6
An-Nisa · 4:170
يَا أَيُّهَا النَّاسُ قَدْ جَاءَكُمُ الرَّسُولُ بِالْحَقِّ مِنْ رَبِّكُمْ فَآمِنُوا خَيْرًا لَكُمْ ۚ وَإِنْ تَكْفُرُوا فَإِنَّ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلِيمًا حَكِيمًا
O mga tao, dumating na sa inyo ang Sugo dala ang katotohanan mula sa Panginoon ninyo. Kaya sumampalataya kayo, mabuti ito para sa inyo. Kung tumatanggi kayong sumampalataya, tunay na kay Allāh ang anumang nasa mga langit at lupa. Laging si Allāh ay maalam, marunong.
Tafsir
O mga tao, naghatid nga sa inyo ang Sugong si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng patnubay at relihiyon ng katotohanan mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Kaya sumampalataya kayo sa inihatid niya sa inyo, ito ay magiging mabuti para sa inyo sa Mundo at Kabilang-buhay. Kung tatanggi kayong sumampalataya kay Allāh, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa pananampalataya ninyo. Hindi makapipinsala sa Kanya ang kawalang-pananampalataya ninyo sapagkat sa Kanya ang pagmamay-ari sa anumang nasa mga langit at sa Kanya ang pagmamay-ari sa anumang nasa lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Laging si Allāh ay Maalam sa sinumang nagiging karapat-dapat sa kapatnubayan para magpadali Siya nito para roon, at sa sinumang hindi nagiging karapat-dapat dito para magpabulag Siya roon palayo rito; Marunong sa mga sinasabi Niya, mga ginagawa Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah