Surah 36 · Juz 23
Ya-Sin · 36:65
الْيَوْمَ نَخْتِمُ عَلَىٰ أَفْوَاهِهِمْ وَتُكَلِّمُنَا أَيْدِيهِمْ وَتَشْهَدُ أَرْجُلُهُمْ بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ
Sa Araw na iyon, magpipinid Kami sa mga bibig nila at magsasalita sa Amin ang mga kamay nila at sasaksi ang mga paa nila hinggil sa dati nilang kinakamit.
Tafsir
Sa Araw na iyon, magsasara Kami sa mga bibig nila kaya sila ay magiging mga pipi. Hindi sila makapagsasalita ng pagtutol sa dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway. Magsasalita sa Amin ang mga kamay nila hinggil sa ginawa ng mga ito sa Mundo. Sasaksi ang mga paa nila hinggil sa dati nilang ginagawa na mga pagsuway at nilalakad.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah