Surah 36 · Juz 23
Ya-Sin · 36:40
لَا الشَّمْسُ يَنْبَغِي لَهَا أَنْ تُدْرِكَ الْقَمَرَ وَلَا اللَّيْلُ سَابِقُ النَّهَارِ ۚ وَكُلٌّ فِي فَلَكٍ يَسْبَحُونَ
Ang araw ay hindi nararapat para rito na umabot sa buwan, ni ang gabi ay umuna sa maghapon. Lahat, sa ikutan, ay lumalangoy.
Tafsir
Ang mga tanda ng araw at buwan at ng gabi at maghapon ay naitakda ayon sa pagtatakda ni Allāh kaya hindi lumalampas ang mga ito sa itinakda para sa mga ito. Ang araw ay hindi maaaring makahabol sa buwan para magpaiba ng daanan nito o mag-alis ng liwanag nito. Ang gabi ay hindi maaaring umuna sa maghapon at pumasok roon bago magwakas ang oras nito. Ang lahat ng mga nilikhang pinagsisilbing ito at iba pa sa mga ito gaya ng mga planeta at mga galaksiya ay mayroong mga daanang natatangi sa mga ito ayon sa pagtatakda ni Allāh at pag-iingat Niya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah