Surah 36 · Juz 23
Ya-Sin · 36:38
وَالشَّمْسُ تَجْرِي لِمُسْتَقَرٍّ لَهَا ۚ ذَٰلِكَ تَقْدِيرُ الْعَزِيزِ الْعَلِيمِ
Ang araw ay tumatakbo para sa isang pinagtitigilan para rito. Iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan, Maalam.
Tafsir
Isang palatandaan para sa kanila sa kaisahan ni Allāh itong araw na umiinog para sa isang pagtitigilang nalalaman ni Allāh ang sukat niyon, na hindi lalampas ito roon. Ang pagtatakdang iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, Maalam na walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa nauukol sa mga nilikha Niya.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah