Surah 36 · Juz 23

Ya-Sin · 36:36

سُبْحَانَ الَّذِي خَلَقَ الْأَزْوَاجَ كُلَّهَا مِمَّا تُنْبِتُ الْأَرْضُ وَمِنْ أَنْفُسِهِمْ وَمِمَّا لَا يَعْلَمُونَ

Kaluwalhatian sa lumikha sa mga uri sa lahat ng mga ito mula sa mga pinatutubo ng lupa, mula sa mga sarili nila, at mula sa hindi ninyo nalalaman.

Tafsir

Kabanal-banalan si Allāh at pagkataas-taas Siya na nagpaluwal ng mga uri mula sa mga halaman at mga punong-kahoy, at mula sa mga sarili ng mga tao yayamang nagpaluwal Siya ng mga lalaki at mga babae, at ng hindi nalalaman ng mga tao na mga ibang nilikha ni Allāh sa katihan, karagatan, at sa iba pa sa dalawang ito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah