Surah 36 · Juz 22
Ya-Sin · 36:19
قَالُوا طَائِرُكُمْ مَعَكُمْ ۚ أَئِنْ ذُكِّرْتُمْ ۚ بَلْ أَنْتُمْ قَوْمٌ مُسْرِفُونَ
Nagsabi sila: "Ang kamalasan ninyo ay kasama sa inyo. [Dahil] ba pinaalalahanan kayo? Bagkus kayo ay mga taong nagmamalabis."
Tafsir
Nagsabi ang mga sugo bilang pagtugon sa kanila: "Ang pagkakita ninyo ng kamalasan ay kakapit sa inyo dahilan sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh at pag-iwan ninyo sa pagsunod sa mga sugo Niya. Nakakikita ba kayo ng kamalasan kung nagpaalaala sa inyo hinggil kay Allāh? Bagkus kayo ay mga taong nagmamalabis sa paggawa ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah