Surah 32 · Juz 21

As-Sajdah · 32:6

ذَٰلِكَ عَالِمُ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ

Iyon ay ang Nakaaalam sa Lingid at Nasasaksihan, ang Makapangyarihan, ang Maawain,

Tafsir

Yaong nangangasiwa niyon sa kabuuan niyon ay ang Nakaaalam sa anumang nalingid at anumang natunghayan: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, na naghihiganti sa mga kaaway Niya, ang Maawain sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah