Surah 32 · Juz 21
As-Sajdah · 32:4
اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ ۖ مَا لَكُمْ مِنْ دُونِهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا شَفِيعٍ ۚ أَفَلَا تَتَذَكَّرُونَ
Si Allāh ay ang lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw, pagkatapos ay lumuklok Siya sa Trono. Walang ukol sa inyo bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik ni tagapamagitan. Kaya hindi pa ba kayo magsasaalaala?
Tafsir
Si Allāh ay ang lumikha ng mga langit, lumikha ng lupa, at lumikha ng anumang nasa pagitan ng mga ito sa anim na araw – gayong Siya ay nakakakaya sa paglikha sa mga ito sa higit na maiksi kaysa sa isang kurap ng mata. Pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya sa Trono ayon sa kataasang naaangkop sa kapitaganan sa Kanya. Walang ukol sa inyo, O mga tao, bukod pa sa Kanya na anumang mapagtangkilik na tatangkilik sa nauukol sa inyo ni mapagpamagitang mamamagitan para sa inyo sa piling ng Panginoon ninyo. Kaya ba hindi kayo nag-iisip-isip at sumasamba kayo kay Allāh na lumikha sa inyo at hindi kayo sumasamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya?
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah