Surah 32 · Juz 21
As-Sajdah · 32:29
قُلْ يَوْمَ الْفَتْحِ لَا يَنْفَعُ الَّذِينَ كَفَرُوا إِيمَانُهُمْ وَلَا هُمْ يُنْظَرُونَ
Sabihin mo: "Sa araw ng pagsakop, hindi magpapakinabang sa mga tumangging sumampalataya ang pagsampalataya nila at hindi sila palulugitan."
Tafsir
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang pangakong ito ay ang Araw ng Pagbangon. Tunay na ito ay Araw ng Pagpapasya sa pagitan ng mga tao kapag hindi magpapakinabang sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh sa Mundo ang pagpapatotoo nila matapos ng pagkakita sa Araw ng Pagbangon, ni sila ay ipagpapaliban hanggang sa magbalik-loob sila sa Panginoon nila at magsisi sila sa Kanya."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah