Surah 32 · Juz 21
As-Sajdah · 32:27
أَوَلَمْ يَرَوْا أَنَّا نَسُوقُ الْمَاءَ إِلَى الْأَرْضِ الْجُرُزِ فَنُخْرِجُ بِهِ زَرْعًا تَأْكُلُ مِنْهُ أَنْعَامُهُمْ وَأَنْفُسُهُمْ ۖ أَفَلَا يُبْصِرُونَ
Hindi ba sila nakakita na Kami ay umaakay sa tubig patungo sa lupang tigang at nagpapalabas Kami sa pamamagitan nito ng pananim na kumakain mula rito ang mga hayupan ninyo at ang mga sarili ninyo? Kaya hindi ba sila tumitingin?
Tafsir
Hindi ba nakakikita ang mga tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay na Kami ay nagsusugo sa tubig ulan patungo sa lupang tuyot na walang halaman dito saka nagpapalabas Kami sa pamamagitan ng tubig na iyon ng pananim na kumakain mula rito ang mga kamelyo nila, ang mga baka nila, at ang mga tupa nila, at kumakain sila mismo mula roon? Kaya hindi ba sila tumitingin doon at nakatatalos na ang sinumang nagpatubo sa lupang tuyot ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa mga patay?
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah