Surah 32 · Juz 21
As-Sajdah · 32:25
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَفْصِلُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كَانُوا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ
Tunay na ang Panginoon mo ay magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon hinggil sa anumang dati silang nagkakaiba-iba.
Tafsir
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang magpapasya sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba sa Mundo kaya lilinawin Niya ang tagapagpahayag ng katotohanan at ang tagapagpahayag ng kabulaanan at gaganti Siya sa bawat isa ng nagiging karapat-dapat dito.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah