Surah 32 · Juz 21
As-Sajdah · 32:16
تَتَجَافَىٰ جُنُوبُهُمْ عَنِ الْمَضَاجِعِ يَدْعُونَ رَبَّهُمْ خَوْفًا وَطَمَعًا وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنْفِقُونَ
Humihiwalay ang mga tagiliran nila sa mga hinihigaan habang dumadalangin sila sa Panginoon nila dala ng pangamba at paghahangad. Mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila.
Tafsir
Naglalayuan ang mga tagiliran nila sa mga hinihigaan nila na hinihigaan nila sa pagtulog nila, habang nag-iiwan sa mga ito at humaharap kay Allāh habang dumadalangin sa Kanya sa dasal nila at iba pa dala ng pangamba sa pagdurusang dulot Niya at dala ng paghahangad sa awa Niya. Nagkakaloob sila ng mga salaping ibinigay sa kanila ni Allāh alang-alang sa landas ni Allāh.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah