Surah 32 · Juz 21
As-Sajdah · 32:11
۞ قُلْ يَتَوَفَّاكُمْ مَلَكُ الْمَوْتِ الَّذِي وُكِّلَ بِكُمْ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمْ تُرْجَعُونَ
Sabihin mo: "Kukunin kayo ng anghel ng kamatayan na itinalaga sa inyo, pagkatapos sa Panginoon ninyo panunumbalikin kayo."
Tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay na muli: "Kukunin kayo ng anghel ng kamatayan na binigyang-kapangyarihan ni Allāh sa pagbawi sa mga kaluluwa ninyo, pagkatapos sa Kanya lamang sa Araw ng Pagbangon panunumbalikin kayo para sa pagtutuos at pagganti."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah