Surah 31 · Juz 21

Luqman · 31:33

يَا أَيُّهَا النَّاسُ اتَّقُوا رَبَّكُمْ وَاخْشَوْا يَوْمًا لَا يَجْزِي وَالِدٌ عَنْ وَلَدِهِ وَلَا مَوْلُودٌ هُوَ جَازٍ عَنْ وَالِدِهِ شَيْئًا ۚ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۖ فَلَا تَغُرَّنَّكُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا وَلَا يَغُرَّنَّكُمْ بِاللَّهِ الْغَرُورُ

O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo at matakot kayo sa isang Araw na hindi makapagdudulot ang isang magulang para sa anak niya ni ang isang inanak ay makapagdudulot para sa magulang niya ng anuman. Tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo kaya huwag ngang mandaya sa inyo ang buhay pangmundo at huwag ngang mandaya sa inyo hinggil kay Allāh ang mandaraya.

Tafsir

O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Mangamba kayo sa pagdurusa sa isang Araw na hindi makapagdudulot doon ang isang magulang para sa anak niya at hindi makapagdudulot ang isang inanak para sa magulang niya ng anuman. Tunay na ang pangako ni Allāh ng pagganti sa Araw ng Pagbangon ay napagtibay at magaganap nang walang pasubali. Kaya huwag ngang manlinlang sa inyo ang buhay na pangmundo sa pamamagitan ng narito na mga ninanasa at mga pampalibang at huwag ngang manlinlang sa inyo ang demonyo dahil sa pagtitimpi ni Allāh sa inyo at pagpapahuli Niya ng pagdurusa sa inyo.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah