Surah 31 · Juz 21

Luqman · 31:23

وَمَنْ كَفَرَ فَلَا يَحْزُنْكَ كُفْرُهُ ۚ إِلَيْنَا مَرْجِعُهُمْ فَنُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ

Ang sinumang tumangging sumampalataya ay huwag magpalungkot sa iyo ang kawalang-pananampalataya niya. Sa Amin ang panunumbalikan nila at magbabalita Kami sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila. Tunay na si Allāh ay Maalam sa nasa mga dibdib.

Tafsir

Ang sinumang tumangging sumampalataya ay huwag magpalungkot sa iyo, O Sugo, ang kawalang-pananampalataya niya. Tungo sa Amin lamang ang babalikan nila sa Araw ng Pagbangon saka magpapabatid Kami sa kanila hinggil sa anumang ginawa nila na mga masagwang gawa sa Mundo at gaganti Kami sa kanila sa mga ito. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang nasa mga dibdib: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa anumang nasa mga ito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah