Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:60

فَاصْبِرْ إِنَّ وَعْدَ اللَّهِ حَقٌّ ۖ وَلَا يَسْتَخِفَّنَّكَ الَّذِينَ لَا يُوقِنُونَ

Kaya magtiis ka, tunay na ang pangako ni Allāh ay totoo; at huwag magmamaliit sa iyo ang mga hindi nakatitiyak.

Tafsir

Kaya magtiis ka, O Sugo, sa pagpapasinungaling ng mga kalipi mo sa iyo. Tunay na ang pangako ni Allāh sa iyo ng pag-aadya at pagbibigay-kapangyarihan ay matibay na walang pag-aalinlangan doon. Huwag magtulak sa iyo ang mga hindi nakatitiyak na sila ay mga bubuhaying muli sa pagmamadali at pag-iwan sa pagtitiis.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah