Surah 30 · Juz 21
Ar-Rum · 30:6
وَعْدَ اللَّهِ ۖ لَا يُخْلِفُ اللَّهُ وَعْدَهُ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ النَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ
Bilang pangako ni Allāh, hindi sumisira si Allāh sa naipangako Niya, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.
Tafsir
Ang pag-aadyang ito noon ay isang pangako mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Hindi sumisira si Allāh ng pangako Niyang iyon. Sa pamamagitan ng pagkakatupad nito, nadaragdagan ang mga mananampalataya ng katiyakan sa pangako ni Allāh ng pag-aadya. Hinggil naman sa higit na marami sa mga tao, hindi sila nakauunawa nito dahil sa kawalang-pananampalataya nila.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah