Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:53

وَمَا أَنْتَ بِهَادِ الْعُمْيِ عَنْ ضَلَالَتِهِمْ ۖ إِنْ تُسْمِعُ إِلَّا مَنْ يُؤْمِنُ بِآيَاتِنَا فَهُمْ مُسْلِمُونَ

Ikaw ay hindi isang tagapagpatnubay ng mga bulag palayo sa kaligawan nila. Hindi ka nakapagpaparinig maliban sa sinumang sumasampalataya sa mga tanda Namin kaya sila ay mga tagapagpasakop.

Tafsir

Ikaw ay hindi isang tagapagtuon sa sinumang naligaw palayo sa daang tuwid tungo sa pagtahak sa landas ng kagabayan. Hindi ka nakapagpaparinig ayon sa pagdinig na napakikinabangan, maliban sa sinumang sumasampalataya sa mga tanda Namin dahil siya ay ang nakikinabang sa sinasabi mo kaya naman sila ay mga nagpapaakay sa utos Namin, mga tagapagpasailalim doon.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah