Surah 30 · Juz 21

Ar-Rum · 30:51

وَلَئِنْ أَرْسَلْنَا رِيحًا فَرَأَوْهُ مُصْفَرًّا لَظَلُّوا مِنْ بَعْدِهِ يَكْفُرُونَ

Talagang kung nagsugo Kami ng isang hangin [na mapanira] at nakita nila [ang mga pananim nila na] naninilaw ay talaga sanang nanatili sila noong matapos niyon na tumatangging sumampalataya.

Tafsir

Talagang kung nagpadala Kami sa mga pananim nila at mga halaman nila ng isang hanging maninira sa kanila at nakita nila ang mga pananim nila na naninilaw ang mga kulay matapos na ang mga ito dati ay luntian, talagang nanatili sila, matapos ng pagkasaksi nila sa mga ito, na tumatangging magpasalamat sa mga naunang biyaya ni Allāh sa kabila ng dami ng mga iyon.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah