Surah 29 · Juz 21
Al-'Ankabut · 29:62
اللَّهُ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ وَيَقْدِرُ لَهُ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
Si Allāh ay nagpapaluwag ng panustos para sa kaninumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit nito. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam.
Tafsir
Si Allāh ay nagpapalawak sa panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at nagpapasikip nito sa sinumang niloloob Niya dahil sa isang kasanhiang nalalaman Niya mismo. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman kaya walang nakakukubli sa Kanya na anumang nababagay para sa mga lingkod Niya na pangangasiwa.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah