Surah 29 · Juz 21
Al-'Ankabut · 29:53
وَيَسْتَعْجِلُونَكَ بِالْعَذَابِ ۚ وَلَوْلَا أَجَلٌ مُسَمًّى لَجَاءَهُمُ الْعَذَابُ وَلَيَأْتِيَنَّهُمْ بَغْتَةً وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ
Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusa. Kung hindi dahil sa isang taning na itinakda, talaga sanang dumating sa kanila ang pagdurusa. Talagang pupunta nga iyon sa kanila ng biglaan habang sila ay hindi nakararamdam.
Tafsir
Nagpapamadali sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal ng pagdurusang ibinabala mo sa kanila. Kung hindi dahil na si Allāh ay nagtakda para sa pagdurusa nila ng isang panahong hindi nauuna at hindi nahuhuli, talaga sanang dumating sa kanila ang hiniling nila na pagdurusa at talagang pupunta nga ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi umaasa niyon.
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah