Surah 29 · Juz 21

Al-'Ankabut · 29:47

وَكَذَٰلِكَ أَنْزَلْنَا إِلَيْكَ الْكِتَابَ ۚ فَالَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يُؤْمِنُونَ بِهِ ۖ وَمِنْ هَٰؤُلَاءِ مَنْ يُؤْمِنُ بِهِ ۚ وَمَا يَجْحَدُ بِآيَاتِنَا إِلَّا الْكَافِرُونَ

Gayon Kami nagbaba sa iyo ng Aklat kaya ang mga binigyan Namin ng kasulatan ay sumasampalataya rito. Kabilang sa mga ito ang sumasampalataya rito. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi ang mga tagatangging sumampalataya.

Tafsir

Kung paanong nagpababa Kami ng mga kasulatan sa mga bago mo, nagpababa Kami sa iyo ng Qur'ān. Kaya ang ilan sa kanila na nagbabasa ng Torah – tulad ni Abdullāh bin Saba' – ay sumasampalataya rito noong nakatagpo sila ng katangian nito sa mga kasulatan nila. Mayroon sa mga tagapagtambal na ito na sumasampalataya rito. Walang tumatangging sumampalataya sa mga tanda Namin maliban sa mga tagatangging sumampalataya na nakagawian nila ay ang kawalang-pananampalataya at ang pagkakaila sa katotohanan sa kabila ng paglitaw nito.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah