Surah 29 · Juz 20
Al-'Ankabut · 29:36
وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا فَقَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَارْجُوا الْيَوْمَ الْآخِرَ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ
[Nagsugo Kami sa] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb, at nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh, umasa kayo sa Huling Araw, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo."
Tafsir
Nagsugo Kami sa Madyan ng kapatid nila sa kaangkanan na si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – saka nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh lamang mag-asam kayo sa pagsamba ninyo sa Kanya ng ganti sa Huling Araw, at huwag kayong manggulo sa lupa sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at pagpapalaganap ng mga ito."
Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah