Surah 29 · Juz 20

Al-'Ankabut · 29:34

إِنَّا مُنْزِلُونَ عَلَىٰ أَهْلِ هَٰذِهِ الْقَرْيَةِ رِجْزًا مِنَ السَّمَاءِ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ

Tunay na kami ay mga magpapababa sa mga naninirahan sa pamayanang iyan ng isang pasakit mula sa langit dahil dati na silang nagpapakasuwail.

Tafsir

Tunay na kami ay mga magpapababa sa mga naninirahan sa pamayanang iyan, na dati nang gumagawa ng mga karima-rimarim, ng isang pagdurusa mula sa langit, na mga batong yari sa tuyong luwad, bilang parusa para sa kanila sa paglabas nila sa pagtalima kay Allāh dahil sa ginagawa nila na mahalay na pangit, ang paggawa [ng sodomiya] sa mga lalaki dala ng pagnanasa bukod pa sa mga babae.

Buksan sa mambabasa - Basahin ang buong surah